Monday, 21 December 2015
Muhammad (SUMAKANYA NAWA ANG KAPAYAPAAN) ang habag para sa sangkatauhan
Muhammad
(SUMAKANYA NAWA ANG KAPAYAPAAN) ang habag para sa sangkatauhan
Kailangan mong makilala ang taong ito!
Sino si
Muhammad?
Ang mga muslim at naniniwala na si muhammad (sumakanya ang kapayapaan) ay ang pinakahuling propeta sa mahabang linya ng mga propeta na pina dala upang tawagin nag mda Tao sa pag sunod at pag samba sa nag-iisang Diyos.Ilan sa mga propetang ito ay sina Adam,Noah,Moses Abraham,Ismael,Isaac,Jacob,David,Jesus
(sumakanila nawa ang kapayapaan).
Katulad ni moses (sumakanya nawa ang kapayapaan)na pina danadalhan ng Torah at Hesus (sumakanya nawa ang kapayapaan)na pinadalhan ngEbanghelyo, (hind ang kasulokoyang anyo na isinalin),naniniwala ang mga Muslim na si Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan)ay pinadalhan ng Qur'an upang ipakita kung paano ipamuhay ang mga katuparan nito.
Ang isang asawa ng propeta (sumakanya ang kapayapaan),at sit a ay sumagot na nagsasabing na ang ugali ay ang Qur'an,ibing sabihin ay masusing sinunod ni propeta Muhammad (sumakanya ang kapayapaan ang kapayapaan)ang mga dakilang katuruan ng Qur'an sa pang araw-araw niyang pamumuhay.
Si Propeta MUHAMMAD (SUMAKANYA ANG KAPAYAPAAN)
Misyon ng Habang
Hind lamang gawaing pangsamba ang itinuro ng Propita (sumakanya ang kapayapaan)sa mga tao,kundi itinuro niya,"Ang pananampalatay ay kailangang makita sa gawa.sinabi niya,"Ang pinakamainam sa inyo ay yaong may magandang pang uugali."
maraming kasabihan ang propeta (sumakanya ang kapayapaan)na nagbibigay diin patungkol sa relasyon ng paniniwala at gawa, halimbawa nito ay,
"Kung sino man ang naniniwala ky Allah at sa Huling Araw ay huwag niyang saktan ang kanyang kapitbahay,sa halip ay paglingkoran niya ang kanyang bisita ng bukas-palad,at magsalita ng mabuti o manahimik na lamang".Sinabi ng Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan);"Maging mahinahon,dahil gusto ni Allah ang pagiging mahinahon."
"Maging mahinahon!Dahil kapag ang pagiging mahinahon ay nasa isang bagay,ito ay nagiging maganda,at kapag ito ay inalis,nagiging pangit ang bagay na yaon."
Pagiging Mapagpakumbaba..
Ang Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan)ay pinipigilan niya ang mga tao na tumayo para sa kanya bilang paggalang.Madalas siyang umupo sa isang pag titipon kapag may bakanteng Lugar at hindi siya naghahanap ng espesyal na lugar. Hindi magara ang kanyang pananamit.Siya ay nakikihalubilo sa mga mahihirap at mga nangangailangan;siya ay umuupo kasama ng mga matatanda at tinutulongan ang mga biyudang babae.Ang mga hindi nakakakilala sa kanya ay wala silang makitang pagkakaiba niya sa ibang mga tao. Sinabi niya sa kanyang mga kasamahan ,"Si Allah ay nagpahayag sa akin,na maging mapagkumbaba kayo.Walang sinuman ang dapat na magmalaki sa iba,at walang sinuman ang dapat mang-api sa iba."siya ay mapagpakumbaba at ganoon din ay natatakot na baka siya ay sambahin ng tao,isang karapatan na nauukol lamang sa Diyos:
"Huwag kayong magmalabis sa pagpupuri sa akin katulad ng pagpupuri ng mga kristiyano Kay Hesus,Ako ay isang alipin lamang at Sugo, kaya tawagin ninyo akong Alipin at Sugo ni Allah."
Ang Huwarang Asawa
Si Aisha,asawa ni Propeta,ay nagsabi,"Siya ay tumulong sa gawain bahay,inaayos niya ang kanyang damit at sapatos.Ginagatasan at pinapakain niya ang kanyang alagang hayop at gumagawa ng gawain bahay,"
Hinihimok niya ang kanyang mga kasamahan na sundin ang kanyang halimbawa,"Ang pinaka-perpekto mananampalataya sa inyo ay ang may pinakabuting pag-uugali,at ang pinakamabuti sa kanila ay ang pinakamabuti sa kanilang mga asawa."
Ang Huwarang Halimbawa
Ang mga nabanggit ay mga sulyap lamang kung paano ang Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan)ay namuhay.Ang mga halimbawa na nabanggit at maaaring ikagulat ng ilang tao dahil na rin sa maling pagsasalarawan ng"media"sa lslam at ang patuloy na maling pag-uugnay dito.
Mahalagang maunawaan ng iba,na kapag nais maunawaan ang lslam ay kailangan na pumunta direkta sa pinagkukunan nito:Ang Qur'an,at Tradisyon ng propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan)at hindi dapat husgahan ninuman ang lslam dahil lamang sa maling gawain ng ilang ng mga Muslim.
Mga Pahayag ng mga
Hindi Muslim
Si Mahatma K.Gandhi,ang pinuno ng "Indian Independence Movement",ay nagsabi:"Ang kapayapaan,ang kababaang-loob ng Propeta,pagtupad sa kanyang mga pangako,kanyang debosyon sa kanyang mga kaibigan,ang kanyang kagitingan,ang kanyang katapangan,ang kanyang walang pang-aalinlangang pagtitiwala sa Diyos at sa kanyang misyon,ito,at hindi ang espada ang nagdala ng lahat sa kanilang upang malampasan ang bawat balakid."
Si George Bernard Shaw,isang manunulat
sa Britaniya ay nagwika:
"Kailangan ng mundo ng isang tao na katulad ni muhammad;dahil sa kawalan ng kaalaman ng mga relihiyosong
tao sa Gitnang Panahon (Middle Ages),masama ang pagpapakilala nila sa kanya.ltinuring siya na kaaway ng kristiyanismo.Subalit matapos kong tingnan
Ang kanyang talambuhay,napatunayan ko na ang kuwento ay nakakabighani at mahimala,kailangan ay hind siya nagging kaaway ng kristiyanismo,dapat siyang tawagin na tagapagligtas ng sangkatauhan.Sa aking palagay,kung siya ay bibigyan ng pagkakataon na mamumo,ay kaya niyang lutasin ang ating suliranin at nangingibabaw ang kapayapaan at kaligayahan sa mundo."
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment
Note: only a member of this blog may post a comment.