ANG MGA KARAPATANG KABABAIHAN SA ISLAM
ako si analie m sabino ang nag sulat nito
itinatangi
iginagalang
pinagparangalan
PAMBUNGAD
Ang pag-aakala ng ibang tao na ang babae sa Islam ay inaalipin,inaalispusta at inaapi.Ang mga Muslim ba ay sadyang mapang-api,o ito ay Mga maling haka-haka lamang na bunga ng hindi patay na pagbabalita?
Humigit sa (1400)taon na ang nakalipas ay binigay ng Islam para sa kababaihan ang kanilang mga karapatan.noong 1930,si Annie Besant ay nagwika,"Nitong nakaraang dalawampung taon lamang nang kilalanin ng kristiyanong Englatera ang karapatan ng babae na magmay-ari,samantalang matagal na itong pinahintulutan ng Islam.Malaki kalapastangan ang sabihin n ang Islam ay nagtuturo na ang babae ay walang kaluluwa."(The life and Teachings of Mohammed,1932)
Ang mga kalalakihan at kababaihan ay nagmula sa iisang tao-si Propeta Adan (sumakanya nawa ang
kapayapaan).Itinuro ng Islam na sila ay pakitunguhan ng makatarungan at may kabutihan.
PANTAY NA GANTIMPALA AT PANTAY NA PANANA GUTAN
Ang lalaki at babaing muslim ay parehas na sumasamba ky Allah,nagsasagawa ng parehas na gawaing pagsamba,sumusunod sa iisang kasulatan,at humahawak sa iisang paniniwala.Si Allah ay hahatol sa lahat ng tao ng pantay-pantay.Binigyang-diin ni Allah ang tungkol sa tamang pakikitongo at gantimpala para sa mga kalalakihan at kababaihan sa maraming talata ng Qur'an:
"Ipinangako ni Allah sa mga mananampalatayang lalaki at babae ang Hardin,na sila ay mananatiling doon,"
Quran 9:72
Hindi no hahayaan na masala ang say say ang gawain ng sinuman sa inyo,lalaki man o babae.kayo at kanilang sa isa't-isa,"
Quran 3:195
Ang talatang nabanggit ay nag papakita na ang gantimpala ay naaayon sa gawain at Hindi yaon sa kasarian.Ang kasarian at walang kinalaman kung papaano gagantimpalaan at huhukuman ang tao.kung ihahambing ang Islam sa ibang relihiyon, ay makikita natin na ang Islam ang katarungan sa dalawang kasarian.Itinatakwil ng Islam ang katuruan na si Eva lamang ang dapat sisihin higit kay Adan tungkol sa pagkain mula sa ipinagbabawal na puno.Pareho silang nagkasala,humingi ng kapatawaran at sila ay pinatawad.
PANTAY NA KARAPATAN SA KAALAMAN
Ang Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan),ay nagwika,"Ang paghahanap ng kaalaman ay tungkulin ng bawat Muslim (lalaki man o babae),"
Noong panahon ng Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan),ay mayroong mga tanyag na kababaihan na naging Pantas ng Islam.Ang pinakatanyag sa kanila ay Aisha,ang asawa ni Propeta Muhammad, (sumakanya nawa ang kapayapaan ),na kung saan halos sangkapat (quarter)na batas ng Islam ay iniulat niya.
May mga kababaihang naging bihasa sa batas ng Islam,sila ay nagkaroon ng mga mag-aaral na kalalakihan na naging pantas na rin ng Islam.
PANTAY NA KARAPATAN N PUMILI NG ASAWA
Ang Islam ay nagbibigay sa babae ng karapatan na pumili ng magiging asawa at panatilihin ang kaniyang apelyido (famili name )pagkatapos ng kasal.marami ang naniniwala na pililit ng magulang ang kanilang mga anak sa pag-aasawa.Ito ay ayon sa kultura ng ibang Muslim,at walang katibayan sa islam.Sa halip,ito ay ipinagbabawal.
May isang babae ang nagsumbong sa Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan)na siya ay pinilit ng kanyang ama na ipakasal sa kanyang pinsan.Pinatawag ng Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan),ang ama ng babae at binigyan niya (sumakanya nawa ang kapayapaan),ang babae ng kalayaan manatili o ipawalangbisa ang kasal.Ang babae ay sumagot,"O Sugo ni Allah,tinatanggap ko ang ginagaw by aking Ana,ngunit nais ko lamang ipakita sa ibang kababaihan (na hindi sila maaring pilitin sa pag-aasawa),"
MAGKAPANTAY NGUNIT MAGKAIBA
Sa kabuuan,ang kalalakihan at kababaihan ay mayroong pantay na karapatan,ngunit ang likas na karapatan at tungkulin na ibinigay sa kanila ay magkaiba.Ang kalalakihan at kababaihan ay mayroong magkaibang at tungkulin.Magkaiba sila ng pangangatawan,panlabas man o panloob,ang mga siyentipiko ay nakakaalam na mayroong pang ibang pagkakaiba sa kanilang dayawa,kagaya ng pang-uunawa ng utak sa mga salita impormasyon,damdamin,at bis pa.
Ayon sa pag-aaral ang babae ay mas mataas ang kakayahan sa pananalita,pakikiramay at pakikisalamuha, a GBP,kaysa mga lalaki.Ang mga lalaki ay mas mataas ang tiwala sa kanilang kakayahan, pangingibabaw,mas Malawak ang pang mga katangian.
Ang Islam ay nagtuturo na ang mga kalalakihan at kababaihan ay may pagkakapantay ngunit magkakaiba ng papel na ginagampanan,na naaayon sa kani-kalikasan,Sinabi ni Allah:
ANG PAMILYA
Nilikha no Allah ang lalaki at babae na magkaiba ng atangian, kakayahan at tungkulin.Ang mga pagkakaibang ito ay hindi basehan ng pagiging mataas o mababang uri,kundi bilang pagkakailanlan lamang.pinapahalagahan ng Islam ang pamilya.Tungkulin ng lalaki na tustusan ang kanyang pamilya,samantala ang babae ay may tungkulin na tumulong para sa pisikal,kaalaman at emosyonal na pangangailangan ng pamilya.kapag tinupad ng pamilya,pati na rin ang matatag na lipunan.
Sa aspeto ng damdamin o emosyon,ang lalaki o babae ay hindi maaaring mamuhay na mag-isa, kailangan nila ang isa't-isa.
Sinabi no Allah:
Ang damit ay nagbibigay ng ginhawa,init at proteksiyon,at ganun din para maging maganda tingnan ang tao-sa ganitong paraan binibigyan ng kahulugan ang ugnayang mag-asawa sa Islam.kung ihahambing ang Islam sa ibang rehiyon,ay makikita natin na ang Islam ay nagbibigay ng katarungan sa dalawang kasarian.Itinatakwil ng Islam ang katuruan na si Eva lamang ang dapat sisihin higit kay Adan tungkol sa pagkain mula sa ipinagbabawal na puno.Pareho silang nagkasala,humingi ng kapatawaran at sila ay pinatawad.
ANG PAGMAMAHAL AT HABAG SA MAG-ASAWA
Sinabi ng Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan),"ang pinakamainam sa inyo ay siyang mainam makatungo sa kanyang mga asawa."
Si Aisha (ang asawa ng Propeta),ay tinanong tungkol sa pag-uugali ng Propeta sa loob by kanyang pamamahay."Siya ay kagaya din ninyo sa loob ng bahay, subalit siya ay mahinahon at mapagbigay...tinatahi
niya ang kanyang sariling damit at kinukumpuni niya ang kanyang sariling damit at kinukumpuni niya ang kanyang sirang tsinelad."Sa kabuuan,ay tinurulungan niya ang kanyang mga asawa sa kanilang mga gawain.
MATAAS NA KATAYUAN NG INA AT ANAK NA BABAE
Malaki ang impluwensiya ng ina sa bata lalo na sa murang edad sa pamamagitan ng kanyang pagsuyo,pag-alaga at pagmamahal. Walang pag-aalinlangan na ang tagumpay ng isang pamayanan at dahil sa mga ina.Kayla,nararapat lamang sa Islam na itaas ang kanilang katayuan.
Sinabi ni Allah:
Ang Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan),"O Sugo ni Allah, malaking karapatan ng aking mabuting pakikitungo?"Siya (ang Propeta)ay nagwika,"ang iyong ina," "ang iyong ama".
ang gantimpala ay hindi lamang sa pagiging mabuti sa ina.May gantimpala din para sa pagpapalaki ng mga anak na lalaki.
Ang Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan),ay nagwika,"Sino man may dalawang anak na babae,pinalaki niya nang mabuti,sila ay magiging dahilan ng kanyang pagpasok sa Paraiso."
PANGWAKAS
Bago dumating ang Islam,ang babae at kahiya-hiya,ang mga batang babae ay inililibing ng buhay,laganap ang pag bibinta ng panandaliang-alia,ang pakikipaghiwalay at nasa kamay lamang ng lalaki,ang mana ay para lamang sa mga malalakas,laganap ang pag-aapi.Hanggang sa ngayn,sa"mga mauunlad na bansa",ang babae ay hindi binibigyan ng sapat na paggalang,at hindi rin binibigyan ng pantay na sahod.Sa Islam ay itinuring ang babae na mahalaga,hindi alipin.Ang mga pang-aapi nangyayari sa mga babae sa Gitnang Silangan o sa kamay ng ibang Muslim ay dahil ito sa mga maling kultura,at hindi dahil sa Islam.kung ang Islam ay mapang-api rehiyon,bakit maraming kababaihan sa buong mundo ang kusang pumasok sa Islam?Tatapusin natin ang paksang ito sa pamamagitan ng mga Salita ng aming Panginoon at inyong Panginoon:
"Katiyakan,ang mga Muslim na lalaki at mga Muslim na babae;ang mga sumasam-palatayang lalaki at mga sumasampalatayang babae;ang mga measuring lalaki at mga madunuring babae (Kay Allah),ang mga matatapat na lalaki at mga matatapat na babae,sa kanila ay inihanda ni Allah ang pagpapatawad at malaming gantimpala."
Quran 33:35
No comments:
Post a Comment
Note: only a member of this blog may post a comment.